Monday, June 23, 2008

Alta Gracia, Babae ni Hudas..

Naisipan kong magHarry Potter marathon kagabi bilang pampalipas oras, dahil napilitan akong umabsent sa trabaho sanhi ng malakas na ulan. Nakakatuwa, ng marinig kong muli ang klasik na musical score ni Pareng Harry, naalala ko bigla ang pausong laro namin ng mga kabarkada ko noong High School. Ang ALTA GRACIA!!


Sigurado ako, walang ibang nakakaalam ng larong ito dahil imbento lang ito ng mga abnormal kong kaibigan, sa pamumuno nina Eby, Epok, Lionel at malamang si Simang, pero sa mga nakasubok na, dalawa lang marahil ang sasabihin nila tungkol dito, ASTIG! at NAKAKAPAGOD!

So ano ang ALTA GRACIA?

Based ito sa klasik na larong taguan na minodify ng konti ng mga friends ko para "umakma" sa environment ng kuwarto ni Eby sa Casa Canonizado. Halos pareho lang ang mechanics nito pero minus the backyard at liwanag galing sa buwan. Sa hindi ko malamang dahilan, ipinangalan nila ito sa 2002 Mexicanovela ng Channel 2 na ang title ay Alta Gracia at palabas tuwing alas tres ng hapon, Lunes - Biyernes. Dito lumalabas ang pamosong BABAE NI HUDAS (walang iba kundi si Alta Gracia na nakabelong puti) at pinapatay ang mga kagalit niya. (Kung paano nila napapanood ito gayong may klase kami ng mga ganitong oras, hindi ko alam)

REQUIREMENTS:
♥Kuwartong Madilim - Di tulad sa normal na taguan na mas ok ang malawak na bakuran at mejo maliwanag na paligid, da best ang larong ito sa maliit na kuwartong may konting gamit na mapagtataguan.

♥ Kumot na Puti

♥Klasik na Harry Potter music score - pampaastig! pandagdag sa horror theme ng laro.. (hindi ko alam ang title nito pero default polytone ito ng mga lumang model ng Nokia like 3510, 3350 at 3610)

♥Players - Isang taya na tatawaging BABAE NI HUDAS, at kahit ilang kasali. The more the merrier. Mas madaming kasali, mas mahirap magtago! hahaha!

** flashlight - optional

MECHANICS
1) Siguraduhing madilim ang kuwarto. Yung walang magkakakitaan. Bawal ang bukas na bintana, bukas na ilaw, at kahit na anong ilaw na galing sa mga siwang ng bintana o pintuan. Mas madilim, mas ok - as in TOTAL DARKNESS ha!

2) Lights-on muna. Mag-assign ng taya, at tatawagin siyang "Babae ni Hudas". Maghihintay siya sa labas ng kuwarto habang naghahanap ng taguan ang ibang kasali. Kanya-kanyang diskarte kung saan mo itatago ang sarili mo basta sa loob lang kuwarto, walang lalabas, bawal sa bubong na karugtong ng bintana mo. Paborito ko noon ang itaas ng aparador ni Eby, kung pano ko siya naaakyat at nasikmura ang napakaraming alikabok, ewan ko. Kung matibay ang sikmura at katawan mo, puede mo ring itaas ang kutson ng kama at dun ka humiga, tapos itaklob mo sayo ang kutson. (Hindi nga lang magandang ideya ito, dahil kapag nagkatakbuhan na, asahan mo dadaanan nila ang ibabaw ng kama, mapipisa ka. Prone sa pilay ang taguang ito!)

3) Kapag nakatago na ang lahat, lights off na. Papasok ang "Babae ni Hudas" habang pinatutugtog ang music score ng Harry Potter, suot ang puting kumot (as belo, parang-white lady ba), at isa-isang hananapin ang mga nakatagong players. Kapag nakapa niya ang nakatagong player, kailangan niyang hulaan kung sino ito, at kapag tama ang sagot, yun ang papalit sa kanya bilang Babae ni Hudas. In short, siya ang bagong taya!
* Kung trip mo, puede ring gumamit ng flashlight para illuminated ang drama ng Babae ni Hudas, pero walang thrill ito dahil, malalaman ng players kung nasaan ang taya, madaling umiwas! Kanya-kanyang strategy din yan. Kung madugas ka, tingnan mo muna kung saan nakatago ang lahat, at pag lights off na, sumigaw ka ng "SI _________ NASA ___________!! Panigurado, mumurahin ka ng itinuro mo o tatawa ang karamihan, kaya kung sino man ang malapit sa taya at maririnig niya, sila ang unang makakapa! Ingat nga lang, dahil kung mali ang timing mo, at ikaw pala ang malapit kay Lady Judas, malas mo, ikaw ang taya! Saktong pangganti din ito, dahil kung mejo inis ka sa taya, puede mo siyang batukan kapag lights-off na, hindi niya malalaman! hehehe..

** Da best ang larong ito para sa mga magbabarkadang walang magawang matino, walang pera, at naghahanap ng sakit ng katawan habang pampalipas oras. Walang gastos na involved, at higit sa lahat, magandang excerscise ito dahil siguradong tunaw ang mga taba mo sa dami ng pawis na tatagaktak sa katawan mo bago pa man matapos ang laro. Yun nga lang, hindi ito recommended para sa mga taong may hika dahil Suffocation ang pinakamatinding side effect ng game na ito. Liban diyan, matinding kaaway ito ng mga kapatid na ayaw maistorbo sa kabilang kuarto, at mga nanay o katulong dahil sila ang kawawang magliligpit ng mga kalat na maiiwan pagkatapos at maglalaba ng mga damit namantsahan dahil sa kung saang sulok ka nagsuot! Panigurado din mistulang dinaanan ng bagyo kuarto mo pagkatapos, dahil lahat ng gamit ay nakasabog at masuerte ka kung walang masisirang cabinet, mesa, bintana o kama pag nagkasawaan na!

Madami pa kaming pausong magbabakardaka noong high school, pero isa ito sa mga paborito ko. Masasabi ko ring madami-dami rin ang nuknukan ang inggit sa'min dahil dito. Kokonti lang kasi ang masuerteng naka-experience ng larong ito dahil hindi lahat ay puedeng maging imbitado sa gathering na ito. Lahat ay welcome sa Casa Canonizado, pero pili lang ang mga taong isinasali sa trip namin. Kumbaga, sa gathering of the elites lang ginagawa ito at kung hindi ka parte ng nomohan namin, sorry ka, mainggit ka! Mga super close friends lang ang pinapa-experience namin nito, kaya suerte mo kapag nakasali ka, dahil ibig sabihin, trip namin ang pagiging psycho mo, at tropa na tayo!

Pero ganun pa man, masaya to, promise! Minsan nga naisip ko, ano kaya kung i-pacopyright namin ang title nito? Anong masasabi mo Tropang Eby? hehe..


♣ ilan sa mga piling players ng Alta Gracia ♣

No comments: